Hello ka- Techie, ngayong araw na to meron tayong rerebyuhin na ebike. Ito ay ang NWOW GB2 EBike. 

 Sa panahon ngayon panahon ng quarantine, halos karamihan sa ating lugar ay nasa ilalim pa ng MGCQ sa panahong ito halos wala ka na talagang masasakyang pampublikong sasakyan dahil hanggang ngayon hindi pa din pinahihintulutan bumiyahe ang mga pampublikong Jeep natin o ang dating Hari ng kalsada na PUJ or Public Utility Jeep. 

Sa hirap ng pagpasok sa trabaho, karamihan sa atin ay halos magpasya na ding tumigil sa pagtatrabaho sa kadahilanan nga ng walang masakyan papasok sa at pauwe. Kaya nga karamihan ng trabahador ay kumukuha ng mga bisikleta pamasok, eh paano naman yung mga babae o mga trabahador na hindi sanay mapagod lalo na pag nagbisekleta ka papasok sa trabaho, hindi ka pa nakakapasok ay pagod ka na. Dito papasok ang Idea na bumili ng EBike. 

Ang pagbili ng ebike ay napakagandang solusyon sa panahon ng GCQ maraming benefits ito sa atin lalo na sa ating Kalikasan. So kung may ebike ka na ang susunod na video ay naglalayon na magbigay ng karagdagang informasyon para sa ikabubuti ng pagkakaroon nyo ng ebike, tara at ating panoodin  ang mga dapat Gawin at mga simpleng Basic troble shooting sa isang EBike.